Thursday, 19 February 2015

Silang Mga Batang 90s Nostalgia Trivia

Silang Mga Batang 90s is your library of nostalgia trivia that will make you reminisce how awesome being a kid of the 90s. When you are one of those whose childhood spent in the headiest of eras the your then you probably had most awesome random moments. Those little crazy things are worth to be remembered. Things that kids of today may not have the chance to experience because the world is in constant evolution. You can't help but smile when you think of the days how you struggle to get and grow your very first Tamagotchi. You went a little rockstar as you sung the 90s hits.

Those were just some of the things that you did during the 90s. Let's jog your memory with these Silang Mga Batang 90s Nostalgia Trivia:

May comics pa ang bazooka. Kahit di mo maintindihan yung Fortune Cookie
sa huli ay collection mo pa rin yun.
* * * * *
Meron ka ng isa sa mga ito: Family Computer, Nintendo, Sega, roller blades, brick game,Tamagochi, Swatch Watch w/ matching guard, Troll collection.
* * * * *
Bago magsimula ang klase, nakikilaro ka muna sa 10-20, jackstone, langit lupa, ice water, taguan, dr. quack quack, tumbang preso, pepsi seven up at agawan base. Di bale nang madumi na ang uniform mo pagpasok ng classroom.


Meron kang sapatos na umiilaw yung swelas kapag iniaapak mo.
Mas sikat kung iba-iba yung kulay.

Silang Mga Batang 90s Nostalgia Trivia

Merong at least isang Chicago Bulls na shirt sa bahay nyo.
Madalas number 23 pa yung nakalagay.
* * * * *
Sinasabihan ka ng matatanda na may lalabas na pari o bigas sa sugat mo kapag hindi
nilagyan ng alcohol pero in the end, betadine lang ang magpapatahimik sa inyo.
* * * * *
Kung babae ka, nagkaroon ka ng butterfly hairclips/rings.
* * * * *
Kung medyo may pera ang pamilya nyo, nagpabili ka ng Polly Pocket.
* * * * *
Di ka papagalitan ng magulang kahit magbabad ka sa TV, basta ang pinapanood mo ay Hiraya Manawari, Bayani at Sine Skwela, kung saan nakilala mo sila Teacher Waki, Ugat Puno, Palikpik, at ang buong barkada nila lalo na kapag nakasakay sila sa spaceship o sa jeep na lumilipad.
* * * * *
Sinubaybayan mo ang Ghost Fighter at ang Dragon Ball. Naging favorite mo si Eugene at si Goku.
* * * * *
Alam mo ang mga linyang ito sa mga kanta: "Natatawa ako, hi hi hi hi", "Anong paki mosa long hair ko", "Dahil sa bawal na gamot", "Mga kababayan ko, bilib ako sa kulay ko".
* * * * *
Isa dito ay theme song mo: "I Swear" by All 4 One, "What's Up" by 4 Non Blondes (And I say, Hey ey ey ey ey ey. I said hey, What's goin on!), "Zombie" by Cranberries.
* * * * *
May free stickers ng Disney movies sa loob ng Maggi noodles.
* * * * *
Pinapatunog mo yung takip ng Gatorade.
* * * * *
Uso pa yung tirador, yung gawa talaga sa sanga ng puno.
* * * * *
Ang mga babae naglalaro ng paper dolls na tig pipiso bawat isang set sa sari-sari store.
* * * * *
Ang mga stationeries na uso: Papemelroti, Tsukuba, Sashikibuta. Pwedeng ibenta, pwedeng trade lang.
* * * * *
Pampalipas oras mo dati ang paglalaro ng Brick Game, at swerte yung mga may advanced version na may tumatagos na blocks para mapuno na yung gap sa loob. Mas advanced ka kung Tamagotchi ang nilalaro mo. Pinapakain mo, pinapatulog mo, at inililibing mo kung namatay na. At kung talagang kaya nyong bumili, Game Boy ang sayo.
Pero kung wala ka talaga, yung laruan na lang na may tubig sa loob tapos dapat ma-shoot mo yung mga bilog sa stick na maliit.
* * * * *
Sinasabi mo sa kaklase mo na "Liars go to hell" kapag tingin mo nagsisinungaling sya. "Cross my heart, hope to die" kapag nangangako ka. "Period no erase" kapag gusto mo walang kumontra sayo. Kaya lang wala kang lusot kapag sinabi ng kaklase mo na "Akin yung factory ng pambura"
* * * * *
Pinapatulog ka ng yaya/nanay mo tuwing tanghali o hapon para raw lumaki. Hindi na kasi pinapatulog ang mga bata ngayon tuwing tanghali di tulad nung panahon natin.
* * * * *
Sikat ka pag ang pencil case mo nabubuksan sa dalawang side tapos maraming attachments like magnifying lens, book stand, compartments na maliliit tapos push button pa. Minsan sa ibabaw ng pencil case meron pang maze, may maliit na silver na bola tapos itatagilid mo yung pencil case para gumulong yun, hanggang sa matapos yung maze.
* * * * *
Di ka baduy kung ang notebook mo nung elementary ay may mukha ng artista. - baduy pa rin ui! hahahaha
* * * * *
Alam mo ang kanta ng Spice Girls at may favorite ka sa kanila. Kung fan ka talaga, may poster ka pa at casette tape ka pa nila.
* * * * *
Ang tinutugtog lagi sa radyo ay mga kanta ng mga banda gaya ng Eraserheads,
Parokya ni Edgar nung nagpapalda pa lang sila, Alamid, Rivermaya, True Faith, The Youth,
After Image at kung anu-ano pang pinoy bands.
* * * * *
Tape pa ang uso, di CD or MP3 players. Pag gusto mo yung kanta kailangan tantyahin mo kung ilang seconds i-rewind yun para mabilis paulit-ulitin.
* * * * *
Masaya ka kapag naglalaro ka ng Tex at Pog. Kadalasan ang design dito ay yung mga palabas sa TV, mga drama o kaya anime, may dialogue pa.
* * * * *
Elementary ka nung nauso ang pager. Yun pa ang pinapangarap ng mga bata, hindi pa cell phone.
* * * * *
Humihingi ka ng dalawang piso sa magulang mo para maglaro ng video arcade sa sari-sari store. Favorite mo yung Sonic, Mario at Street Fighter at Tetris.
* * * * *
Meron ka pa rin ng pinakamalaking cell phone na nakatago na ngayon sa mga kahon.
* * * * *
Wala pang PS/PS2, XBox, Wii, atbp. noon. Family Computer pa lang, yung cartridge yung bala. Usong laro ang Mario Bros., Battle City at Rambo.
* * * * *
Naglalagay ka ng Kisses (yung mabango) sa pencil case mo, o kaya sa isang lalagyan na may bulak, alcohol at tinutusok ng karayom para mabilis manganak.
* * * * *
Kinakanta nyo dati sa school yung "Heal the World", "Tell the World of His Love", "Jubilee Song", etc.
* * * * *
Nanonood ka dati ng Power Rangers, Captain Planet o Ninja Turtles. Nagkukunyari pa kayo ng mga kaibigan mo na kayo yun at nagkakasipaan kayo.

* * * * *

Niloloko mo yung theme song ng Voltes V kasi di mo maintindihan yung theme song:
"Tato ni Ara Mina malaking cobra...", "Boltes Payb lima sila, pumunta sa kubeta..." "...Kontra Bulate!"

If you have your own long-kept Silang Mga Batang 90s, feel free to share it with us and have it posted/ comment here in our website.


Other search terms:
  • year of the 90's
  • 90's image
  • dekada nobenta memorabilia
  • mga batang 90's images
  • jessicarlo.blogspot.com batang 90's

source : http://viva.co.id, http://www.boybanat.com, http://bbc.co.uk

No comments:

Post a Comment

Contact Us

Name

Email *

Message *

All content at Trend & Fasions Blog was found freely distributed on the internet and is presented for informational purposes only.
Images / photos / videos found in this site reserved by its respective owners.
We does not upload or host any files.
Home | DMCA | Contact